volley copy

Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

8 n.u. – UST vs AdU (m)

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

10 n.u. – Ateneo vs NU (m)

12:30 n.h. – UE vs AdU (w)

4:30 n.h. – DLSU vs Ateneo (w)

Berde kontra sa Asul. Paghihiganti laban sa kasaysayan.

Tiyak ang pagdagundong ng Smart-Araneta Coliseum sa hiyawang likha ng iba’t ibang emosyon mula sa libo-libong tagahanga at tagasuporta ng pinakahihintay na duwelo ng UAAP Season 78 women’s volleyball championship.

Itataya ng Ateneo Lady Eagles ang imakuladang marka at ang league-record na 24 winning streak laban sa mahigpit na karibal na La Salle Lady Archers sa tampok na laro ngayon sa ganap na 4:30 ng hapon sa pagpapatuloy ng elimination round sa Big Dome.

Kapana-panabik ang laban ng Lady Eagles at Lady Archers dahil sa tradisyunal na ‘rivalry’, ngunit para kay Ateneo star Alyssa Valdez ang laro ay tulad lamang sa mga nakalipas nilang laban.

“It’s another game for us. Hindi naman namin kailangan masyadong isipin na it’s really a big game. It’s (just) another game,” pahayag ng reigning back-to-back MVP.

Iginiit ni Valdez, na hindi kailangang maging emosyonal at kalimutan ang nakalipas na resulta dahil ibang sitwasyon ang kinalalagyan nila ngayon, gayundin ng Lady Archers.

Winalis ng Ateneo ang La Salle sa nakalipas na season at mabigat ang kanilang kampanya na maulit nila ito laban sa mas malusog at kumpleto sa player na Lady Archers.

Balik sa line-up ng La Salle si top hitter Ara Galang matapos makabalik mula sa natamong ACL injury sa semifinal round laban sa National University.

“(Kumpleto na ang La Salle) unlike noong nakalaban namin sila last year. We always say that La Salle has a really good system,” sambit ni Valdez.

“They’re really prepared every time they go in a game, and they’re going to back to their system, up man sila or down man sila. They really, through the years, na-polish talaga nila (ang system nila),” aniya.

Aminado naman si Lady Spikers coach Ramil de Jesus na malaking sakit ng ulo nila ang ace spiker ng Lady Eagles.

Ngunit, maliban sa pagdepensa kay Valdez, kailangan din nilang mabantayan ang iba pang hitter ng tropa ni Thai coach Anusorn Bundit na sina Bea de Leon, Maddie Madayag, Amy Ahomiro at Jhoanna Maraguinot.

Target ng Lady Eagles na makamit ang ikapitong sunod na panalo at madugtungan ang record winning streak na 24 – ikaapat na pinakamahabang winning streak sa team competition sa bansa.

Hangad naman ng ang Lady Falcons ng kanilang ikatlong panalo sa loob ng pitong laro habang magtatangkang makabasag sa win column ang Lady Warriors sa kanilang pagtutuos sa ganap na 12:30 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos ang Adamson at University of Santo Tomas ganap na 8:00 ng umaga sa men’s division na susundan ng tapatan ng last year finalist National University at defending champion Ateneo sa ganap na 10:00 ng umaga.