Pebrero 27, 1980 nang pagkalooban ng National Academy of Recording Arts and Sciences si Gloria Gaynor ng Grammy Award para sa kanyang awiting “I Will Survive,” ang una at tanging awitin na kinilala bilang “Best Disco Recording” sa Grammys. Nanguna rin ito sa Billboard Hot 100 Charts.

Walang kumuwestiyon sa parangal, kahit na may anti-disco sentiment noong mga panahong iyon. Pagsapit ng 1980s, nag-alinlangan ang luminaries sa music industry kung kikita nang malaki ang disco music.

Ang awitin ay mensahe para sa mga babaeng nais makalimot sa hindi magandang relasyon, at makaka-relate sa kanta ang mga taong nagtagumpay matapos maharap sa matinding pagsubok. Ang awitin ay sinulat ng dating Motown producers na sina Freddie Perren at Dino Fekaris.

Patuloy pa ring pinatutugtog sa ilang radyo ang nasabing awitin hanggang ngayon. Ito ang naging World Cup anthem ng French football team noong 1998, at isinalin sa 20 lengguwahe.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate