TACLOBAN CITY, Leyte – Kinumpirma ni dating An-Waray Party-lits Rep. Florencio “Bembem” Noel ang mga pagtatangkang pigilan ang pagdaraos ng grand rally nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero sa lungsod na ito nitong Biyernes ng hapon.

Sumusuporta sa kampanya nina Poe at Escudero bilang kandidato sa pagkapresidente at bise presidente, sinabi ni Noel na ipinatawag ng kampo ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang maraming barangay chairman para sa isang emergency meeting.

Sinabi ni Noel na nasorpresa siya sa biglaang imbitasyon sa mga opisyal ng iba’t ibang barangay sa siyudad para sa isang emergency gathering na ipinatawag ni Tacloban City Councilor Cristina Romualdez.

Paglilinaw ni Noel, binigyan sila ng permit para magsagawa ng grand rally dakong 5:00 ng hapon kahapon sa RTR Plaza, isang freedom park sa Tacloban na pag-aari ng pamahalaang panglalawigan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“There is that move to prevent people from attending the rally today but with regards to the permit, we were given the permit,” ani Noel.

Ayon kay Noel, sinusuportahan ng kampo ni Romualdez ang kandidatura nina Vice President Jejomar Binay, sa pagkapangulo, at Senator Bongbong Marcos, pinsan ng alkalde, sa pagka-bise presidente.

Sinabi pa ni Noel na batay sa natatandaan niya, n ang magsagawa ng grand rally ang yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr. sa RTR Plaza nang kumandidato ito sa pagkapangulo noong 2004 at punumpuno ang nabanggit na venue, at inaasahang ganito rin ang mangyayari sa grand rally nina Poe at Escudero.

Bukod dito, inaasahan ding hahakot ng boto sina Poe at Escudero sa Tacloban City at sa buong Region 8, matapos na manalo si Fernando Poe, Jr,. sa Eastern Visayas noong 2004, at manguna si Grace Poe sa mga ibinotong kandidato sa rehiyon noong 2013. (NESTOR L. ABREMATEA)