CABANATUAN CITY - Nabigong maibenta ng dalawang kawatan ang mga nakaw na Globe LTE modem matapos ang entrapment operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Cabanatuan City Police at Globe Telecoms, Inc. sa Zulueta Street, Barangay Vijandre sa lungsod na ito.

Arestado sa entrapment operation sina King Joar Ponce y So, 20, binata; at isang 17-anyos na lalaki, kapwa taga-Bgy. Vijandre, matapos magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga arresting team.

Nasamsam mula sa mga suspek ang limang Globe LTE modem na nagkakahalaga ng P17,000. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol