Maine copy

INSTAGRAM account naman ni Maine Mendoza ang na-hack. Nang ma-secure ng Twitter ang account ni Maine, iba naman ang hinack nitong si @snapchat­_doi, early morning of February 24. Nag-iwan siya sa IG ni Maine ng message na, “I will put your email so rest the password, I know I’m wrong I’m sorry.”

Nang mangyari ang pag-hack sa IG ni Maine, nagtatrabaho siya dahil may TVC shoot siya na inabot hanggang umaga.

Concern naman agad si Alden Richards kay Maine nang malaman ang nangyari kaya nag-tweet agad siya, kahit hindi dapat dahil nag-iwan din iyong hacker ng message sa kanya na i-message siya para maibigay niya ang password nito. Mabuti at hindi sinagot ni Alden dahil kung sinagot niya, makakapasok din daw sa account niya ang hacker.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bakit kaya may mga taong hindi matiis gumawa ng masama?  

Nagpapasalamat naman sina Alden at Maine na maraming tumutulong at sumusuporta sa kanila, una na ang AlDub Nation.

Muling nire-restore ni @carloople ang IG ni Maine. Si Carlo din ang nag-restore ng Twitter ni Maine at secured na nga ng Twitter kaya hindi na puwedeng ma-hack muli.

Ito ang tweet ni Carlo: “We’re on it guys! Might take a little longer lang since it’s hard to coordinate here in Barcelona, haha!”

Wow, at nasa Barcelona pala si Carlo.

Pero sa kabila nga ng mga nangyayaring ganito kina Maine at Alden, pati na ang bashing ng mga galit na fans sa kanila, tuloy ang blessings na dumarating sa kanila. Pagkatapos nilang manalo ng apat na awards sa 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) at ng Anak TVSeal awards, may panibagong nomination na natanggap si Alden mula sa New York Festivals. 

Nominated ang kanyang Ilustrado sa mini-series category at sa Opening Billboard Entertainment Program Opening Title.

Kasama sa nominations ang iba pang shows ng GMA News and Public Affairs.

Nominado naman si Maine sa PMPC Star Awards 2015 as New Movie Actress of the Year para sa My Bebe Love #KiligPaMore. 

Hay, hayaan na lang ninyo, Maine and Alden, ang hindi masaya sa mga tagumpay at blessings na dumarating sa inyo.

(NORA CALDERON)