Posibleng ipasara ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumpanyang Grab na nangangasiwa sa GrabTaxi, GrabBike, at iba pa.

Ito ang inihayag ni LTFRB Board Member Ariel Inton matapos mapag-alaman na patuloy ang operasyon ng GrabBike kahit na ipinatigil na ito ng ahensiya.

Sa kasalukuyan, tanging GrabTaxi ang pinapayagan ng LTFRB na mamasada.

Nilinaw ni Inton na hanggang ngayon ay hindi inaaprubahan ng LTFRB ang pamamasada ng GrabBike.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Ginawa ng LTFRB ang pahayag, matapos lumutang sa social media ang mga kuwento ng maraming pasahero ng GrabBike na nakalulusot sila sa matinding trapiko at mabilis na nakararating sa trabaho. (Jun Fabon)