Ikinagalak ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate Valenzuela City Rep. Win Gatchalian ang suporta ng presidential frontrunner na si Sen. Grace Poe sa kanyang panukalang libreng matrikula sa lahat ng unibersidad at kolehiyo na pag-aari ng gobyerno.

“We wholeheartedly thank our presidential candidate, Sen. Grace Poe, for supporting what we have been pushing for:

free higher education for all Filipinos, especially those from indigent households who deserve to be given a fighting chance in life to improve their social mobility and lift their families from poverty. Rest assured that we will continue fighting for this significant educational reform in the Senate,” ani Gatchalian, miyembro ng House Committee on Higher and Technical Education.

Ang pagsuporta ni Poe sa naturang panukala ay inihayag niya sa pangangampanya ng Partido Galing at Puso sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakailan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Importante rin ang ating mga kabataan. Para sa amin ni Senator Chiz, importante na ang ating mga state universities at colleges ay libre na para sa ating mga estudyante,” inihayag ni Poe sa rally.

Ayon kay Gatchalian, kumpiyansa siyang maisasakatuparan ang kanyang panukala sa free college education kapag naupo na ang susunod na administrasyon.

Tulad ni Gatchalian, kabilang sa mga isinusulong ni Poe ay ang youth empowerment at universal access sa edukasyon, lalo na sa kolehiyo.

Si Gatchalian ang may-akda ng House Bill No. 5909, na kilala rin bilang “Free Higher Education Act” na nagsusulong sa libreng matrikula para sa 1.5 milyong estudyante na naka-enroll sa SUC (state colleges and universities.)