PHOTO CAPTION copy

NAGHANDA ang GMA-7 ng TV special para kay German “Kuya Germs” Moreno, titled The Master Showman’s Final Bow na mapapanood mamayang gabi, pagkatapos ng Because of You. Preempted ang Bubble Gang, hindi muna ito mapapanood mamayang gabi bilang pagbibigay-daan sa TV special.

Ayon sa mga nanood ng taping, bumuhos ang luha ng mga naging anak-anakan at mga kaibigan ni Kuya Germs na dumalo sa huling alay nila sa kanilang naging ama-amahan sa loob ng maraming taon.

Nag-offer ng iba’t ibang production numbers ang mahigit 70 talents ni Kuya Germs, ang kinikilalang star-builder extraordinaire ng local showbiz industry.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Natuloy kayang mag-guest si Billy Crawford kahit nasa kabilang network siya? Matatandaang five years old pa lamang si Billy nang magsimula siyang mag-appear sa mga shows ni Kuya Germs noon sa GMA-7.

Let’s say our final goodbye, Kuya Germs, make your Final Bow. You will always be remembered. (Nora Calderon)