WELLINGTON, New Zealand (AP) — Hinihimok ang mga Fijian sa malalayong lugar na kaagad ilibing ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay sa malakas na cyclone imbes na maghintay ng awtopsiya.
Sinabi ni government spokesman Ewan Perrin kahapon na maraming malalayong lugar ang wala pa ring kuryente o refrigeration, kaya hinihiling ng gobyerno sa mga tao na kaagad ilibing ang mga namatay para sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Umabot na sa 44 ang namatay sa Cyclone Winston kahapon at apat ang nawawala. Hinagupit ng cyclone ang Pacific Island chain nitong weekend dala ang lakas ng hangin na umabot sa 285 kilometro kada oras, ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Fiji.