NAPANALUNAN ng pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis (A Lullaby to the Sorrowful Mystery) ang eight hours long na pelikula ni Lav Diaz ang Silver Bear award sa katatapos na Berlin Film Festival.

Ang pelikula, na sa isang pambihirang pagkakataon ay pinagsama sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, ay tungkol sa paghahanap sa labi ni Andres Bonifacio noong panahon ng Philippine Revolution habang unti-unti nang lumalaya ang mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila. Isa sa mga producer nito si Paul Soriano na nagalak dahil walang putol na ipinalabas ang pelikula sa kompetisyon.

Naibigan ang pelikula ni Meryl Streep, kilala at inirerespedtong aktress at jury president ng filmfest. Pinuri rin ng British actor na si Clive Owens ang mahabang obra ni Direk Lav Diaz. Superb ang pelikula, ayon kay Hubert Speich, kritiko ng German broadcaster SWR.

Isang German amateur filmmaker ang nagkomentong, “a personal test of courage” ang epikong pelikula. Hindi naman sinang-ayunan ni Direk Diaz na bansagan siyang “a creator of slow cinema”.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Tiyak na nagbubunyi si John Lloyd sa tagumpay ng pelikula matapos ang kontrobersiyang dinanas ng kanyang Honor Thy Father sa MMFF.

Ang silver bear ay pangalawang mataas na award na ipinagklobb ng 67 year-old Berlinale. (REMY UMEREZ)