LEGAZPI CITY- Handa na ang lahat para sa pagdaraos ng Palarong Pambansa sa lalawigan.

Ito ang kinumpirma ni Albay Gobernor Joey Salceda sa post-race media conference ng 7th Le Tour de Filipinas.

“Nasa 90 percent ready na kami, I would say.Actually, nagkaroon lang ng konting pagbabago sa billeting ng NCR,but everything is ready na,” pahayag ni Salceda.

Aniya, umabot sa P260 milyon ang budget na inilaan ng lalawigan para sa pagpapaayos at rehabilitasyon ng mga gagamiting pasilidad sa kompetisyon, gayundin ang billeting area.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinatayang aabot sa 30,000 katao mula mga kalahok na rehiyon ang dadagsa sa lalawigan para makiisa sa taunang multi-sports event para sa mg estudyante na gaganapin sa Abril 10-16.

Samantala, umaasa naman ang gobernador na magagawa nilang umangat mula sa natamong 7th place overall finish noong nakaraang taong Palaro sa Laguna.

“I think we can surpass that 7th place finish,” pahayag ni Salceda.”Kaya naman lalo kaming dapat magpursige dahil gagawin dito sa amin ang competition,” aniya. (MARIVIC AWITAN)