Huhulihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang may dinaya o sirang plate number bilang paghahanda sa muling pagpapatupad ng no-physical contact na paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko.
Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw at maayos na plaka sa pagtukoy sa mga pribado at pampublikong sasakyan na lumalabag sa mga batas-trapiko sa pagpapatupad ng no contact policy na muling sisimulan sa susunod na buwan.
“It will be difficult for the CCTV cameras (closed circuit television cameras) to identify vehicles with tampered or dirty plate numbers,” ani Carlos.
Ayon kay Carlos, ilang motorista ang sinasadyang i-tamper o itago ang plaka ng kanilang sasakyan upang makalusot sa halimbawa ay number coding scheme.
Sinabi ng MMDA chief na sa mga susunod na araw, paparahin at titiketan ng ahensiya ang mga motorista at driver na tampered ang plaka. (Anna Liza Villas-Alavaren)