Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Philippine Postal Corporation (PPC, PhilPost) Postmaster General Josephine dela Cruz dahil sa pagkabigo umano ng ahensiya na i-remit sa Government Service Insurance System (GSIS) ang loan amortizations ng isang empleyado nito.

Sa resolusyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nakitaan ng probable cause upang kasuhan si Dela Cruz ng paglabag sa RA 8291 (GSIS Act of 1997).

Bukod kay Dela Cruz, pinakakasuhan din sina PhilPost Eastern Mindanao Director Bernardito Gonzales; at Arlene Bendanillo, ng PhilPost-Zamboanga City.

“The PPC failed to remit the loan amortizations of one of its employees in Zamboanga City, Santos Pamatong Jr., to the GSIS for the period of October 2011 to December 2012,” anang Ombudsman.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa panig naman ni Dela Cruz, sinabi niyang prioridad ng PhilPost ang net take home pay ng mga empleyado at ang operating costs ng ahensiya kaysa remittances sa GSIS para sa premiums at loan amortizations ng mga empleyado.

Gayunman, ibinasura ni Morales ang depensa ni Dela Cruz, dahil sa kakulangan ng katibayan. (Rommel P. Tabbad)