KRIS AQUINO copy

A FEW weeks ago, galing sa nakausap naming ABS-CBN insider ang balitang pagsasamahin sa bagong morning talk show sina Kris Aquino at Anthony Taberna. Pero mula rin sa naturang source ang bagong update na mukhang nagkaroon daw ng problema kaya tila hindi na matutuloy ang “Kris & Tunying Show”.

Ito sana ang balak ipalit sa KrisTV.

In fairness, marami ang natuwa at nagtatanong kung kailan nila mapanood ang pilot episode ng show nina Kris at Tunying. Marami ang na-excite sa bagong kumbinasyon nila sa isang show.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kinulit namin ang aming source kung ano ang dahilan ng hindi pagkakatuloy sa plano, na nalaman din naming nag-taping na pala ng pang-pilot episode.

“Hindi nakalusot sa mga nasa itaas (top management) ang ginawang format. Ni-reject ito ng management at ang sabi, eh, hayaan muna sa kani-kanilang sariling show sina Kris at Anthony,” sey pa ng kausap namin.

Dagdag pa ng kausap naming, tila hindi nakitaan ng malakas na chemistry sina Kris at Tunying. (JIMI ESCALA)