Mga lokal na opisyal at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) pa rin ang nangunguna sa mga may kinahaharap na kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman (OMB) sa nakalipas na limang taon.

Sa 2015 year-end report, inihayag ng anti-graft agency na 2,697 kaso ang isinampa laban sa mga lokal na opisyal, na bumubuo sa mahigit kalahati ng kabuuang 5,358 reklamo na inihain sa ahensiya, kasunod ang mga pulis na may 1,265 reklamo, o 23 porsiyento ng kabuuang bilang.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Armed Force of the Philippines (AFP), na hindi natinag simula noong 2011, bagamat bumaba sa 182 ang mga kasong isinampa laban sa mga opisyal ng militar noong 2015.

Pasok din sa top 10 ang Department of Education, na may 172 kaso; Department of Environment and Natural Resources, 100; State Universities and Colleges, 87; Department of Agriculture, 77; Department of Finance, 73; Department of Agrarian Reform, 72; at Bureau of Customs, 70 kaso. (Jun Ramirez)

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso