pma copy

Nagkasubukan ng husay at kahandaan ang mga miyembro ng Philippine Military Academy Masikhay Class 1999 sa isinagawang “PMA Class 5X5 Basketball Challenge” nitong weekend sa PMA basketball gymnasium sa Baguio City.

Ang torneo ay bahagi ng pagdiriwang sa taunang homecoming ng PMA alumni.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“This is the third time that our Class is doing this tournament, and we are encouraging those who belong to other class to organize a team and compete,” pahayag ni CAV Edgardo V. Talaroc, Jr., Masikhay Class President.

Ayon kay Talaroc, ang torneo ay pamamaraan din para mapanatili ang samahan ng bawat alumni ng institusyon, gayundin ang maisulong ang programa para sa malusog na pangangatawan.

Kasama rin na nag-organisa ng torneo sina tournament director CAV Aristotle D. Maglasang at CAV Ryan C. Celino.