NEW YORK (AFP) – Sumakabilang buhay si Harper Lee, isa sa mga pinakasikat na nobelista sa America dahil sa kanyang isinulat na To Kill a Mockingbird na milyun-milyon ang nagbasa. Kinumpirma ang balita ng kanyang tagapagsalita nitong Biyernes. Siya ay 89.
Ayon sa tagapagsalita ni Lee na si Harper Collins, si Lee ay matiwasay na pumanaw noong Huwebes ng gabi. Ang Pulitzer-winning author ay nanirahan sa Monroeville, Alabama na kanyang sinilangan.
Ang To Kill a Mockingbird ay itinuturing bilang isa sa great classics ng 20th century American literature, at ito binasa na ng milyun-milyon sa buong mundo.
Inilathala noong 1960 at halaw mula sa mga karanasan ni Lee noong kanyang kabataan, ito ay sinulat upang bigyang-kahulugan ang racial injustice sa Depression-era South.
Kuwento ito ng isang black man na naakusahang nanggahasa sa isang babae at ng matapang na abogado na si Atticus Finch na nagtanggol sa kanya.
Bumenta ng 30 milyong kopya ang nasabing nobela at humakot ng mga papuri, dahilan upang mapanalunan niya ang Pulitzer prize noong 1961.
Nagpahayag ng pakikiramay at pagdadalamhati si dating US President George W. Bush, na nagbigay ng parangal kay Lee noong 2007, ang Presidential Medal of Freedom, ang pinakamataas na parangal sa America.
“Harper Lee was ahead of her time, and her masterpiece ‘To Kill A Mockingbird’ prodded America to catch up with her,” ani Bush.
“Laura and I are grateful for Harper Lee and her matchless contributions to humanity and to the character of our country,” dagdag niya.
WALANG KATULAD
Sinabi ni Harper Collins na si Lee ay hindi lamang mahusay na manunulat, kundi “an extraordinary woman of great joyfulness, humility and kindness,” na namuhay sa paraang nais niya “in private -- surrounded by books and the people who loved her.”
“I hoped for a little, but I got rather a whole lot and in some ways this was just about as frightening as the quick, merciful death I’d expected,” sabi ni Lee, kaugnay sa kalalabasan ng kanyang nobela.
“When I saw her just six weeks ago, she was full of life, her mind and mischievous wit as sharp as ever,” ayon sa ganet ni Lee na si Andrew Nurnberg. “We have lost a great writer, a great friend and a beacon of integrity.”
Isinilang bilang Nelle Harper Lee noong 1926, siya ay bunso sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang abogado at ito ay si Robert E. Lee.