NAKAPANAYAM ni Tyler Henry ang 32 taong gulang na modelo na si Amber Rose sa promo ng Hollywood Medium With Tyler Henry at umaming interesado siyang malaman ang kanyang kapalaran sa pag-ibig.

“I guess I wanna know if, if I’m gonna find love,” tanong ni Rose kay Tyler.

“I’m seeing a rapper,” sagot ni Tyler.

“No, I don’t want to date a rapper any more, get them away from me!” mabilis na sagot ni Rose.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matatandaang nagpakasal si Amber kay Wiz Khalifa noong 2013 at naghain ng diborsiyo noong 2014 na “irreconcilable differences” ang tinukoy na dahilan. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng anak, ang dalawang taong gulang na si Sebastian. At naka-date na rin niya si Kanye West.

Sa pinakabagong album ni Kanye West na The Life of Pablo, naging usap-usapan ang lyrics na ang tinutukoy umano sa isa sa mga awitinh ay maaaring may kinalaman kay Amber.

“My ex said she gave me the best years of her life,” saad sa awiting 30 Hours. “Seen a recent picture of her and I guess she was right.” (ET Online)