Ipinamahagi ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kabuuang 115 fire truck sa mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento at ng mga tauhan ng Quezon City Fire Marshall ang pamamahagi sa ikatlong batch ng mga fire truck sa seremonya sa Quezon City Memorial Circle nitong Biyernes.

Ang mga fire truck ay mula sa kabuuang 469 na binili ng gobyerno sa China sa halagang P2.5 bilyon noong 2014.

Sa nasabing bilang ng mga fire truck, 244 ang may 1,000 gallon capacity na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P6 milyon, at ang 225 na may 500 gallon capacity ay nasa P5 milyon ang bawat isa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Napag-alaman na ang una at ikalawang batch ng mga ipinamahaging fire truck ay ibinigay sa mga siyudad at munisipalidad sa bansa na wala pang fire truck. (Jun Fabon)