“Sa Mars kayo magpakasal at mag-sex!”

Ito ang mensahe ni Sen. Juan Ponce Enrile sa LGBT (lesbians, gays, bisexuals, and transgenders) community matapos resbakan ng grupo ang world boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao hinggil sa kontrobersiyal na pahayag ng kongresista tungkol sa same-sex marriage.

“Hindi ‘yan natural,” giit ng 92-anyos na mambabatas.

Nang tanungin kung nararapat ang opinyon ni Pacquiao nang ikumpara ang LGBT sa mga hayop, sinabi ni Enrile:

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘’Pacquiao is a leader. He is showing a better leadership than most people.’’

Subalit iba naman ang tono ni Senate President Franklin Drilon sa pahayag ni Pacquiao hinggil sa LGBT at kinalaunan, ang paghingi nito ng paumanhin sa naturang sektor.

“Ito ay nagpapatunay na kulang ang kanyang karanasan sa pamamahala, medyo nagkamali siya,” patutsada ni Drilon kay Pacquiao.

‘’We will not make the mistakes like my good friend, Manny Pacquiao. Medyo nagkamali po siya roon. Pero siguro iyon ang isang aspeto na dapat nating tingnan sa mga nanunungkulan. Mali ng pananalita na kanyang nagamit ngunit siya ay humingi na ng patawad, at malapit na ang Holy Week,’’ dagdag ni Drilon, isang re-electionist na kandidato sa ilalim ng Liberal Party.

Iginiit naman ni Enrile na siya ay isang “liberalist” subalit hindi ito nangangahulugan na may karapatan na siyang guluhin kung ano man ang orihinal na dinisenyo ng Diyos.

‘’Even birds are pairing all the time. I never see any pairing between the same sex. Even animals. Why should we be better than the animals? Common sense lang ‘yan,’’ giit ni Enrile.

Tulad ni Pacquiao, hindi rin nababahala si Enrile sa banta ng LGBT community na hindi nila iboboto ang world boxing champion dahil sa kontrobersiyal na pahayag.

‘’He will win this election hands down. Kahit anong batikos mo,” ayon kay Enrile. (Mario B. Casayuran)