ABOARD THE PAPAL PLANE (AP) — Sinabi ni Pope Francis sa kababaihan na nanganganib sa Zika virus na maaari silang gumamit ng artificial contraception, ipinaliwanag na “avoiding pregnancy is not an absolute evil” sa harap ng pandaigdigang epidemya.

Mariing tinutulan ng Papa ang aborsyon bilang tugon sa krisis sa isang pahayag nitong Miyerkules habang sakay ng eroplano pabalik sa Vatican mula sa limang araw na pagbisita sa Mexico.

Ngunit inihalintulad niya ito sa desisyon ni Pope Paul VI noong 1960s na aprubahan ang pagbigay ng artificial contraception sa mga madre sa Belgian Congo upang maiwasan ang mga pagbubuntis dahil puntirya sila ng panggagahasa.

Ang aborsyon “is an evil in and of itself, but it is not a religious evil at its root, no? It’s a human evil,” sabi ni Francis sa mga mamamahayag. “On the other hand, avoiding pregnancy is not an absolute evil. In certain cases, as in this one (Zika), such as the one I mentioned of Blessed Paul VI, it was clear.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture