AlDub at Arnold copy

EXTENDED ang Valentine’s Day celebration ng AlDub Nation dahil ang phenomenal love team ng Kapuso Network na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang special guests sa Tonight with Arnold Clavio ngayong darating na February 17 at 24.

 

Sa two-part episode na ito, tampok ang paggisa ni Igan sa AlDub. Aalamin ni Igan ang real score ng dalawa.

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Matatandaang sa mga nakaraang pagbisita ni Alden sa TWAC, “Tay” kung tawagin niya si Igan. Pormal na kayang ipapakilala ni Alden si Meng bilang kanyang girlfriend kay Igan? Sino nga ba sa dalawa ang mas sweet, mas makulit, at mas matampuhin?

 

Siguradong aabangan ng AlDub Nation ang espesyal na mensahe ng dalawa sa isa’t isa sa special episode na ito ng Tonight with Arnold Claviosa Pebrero 17 at 24, 10:15 PM, sa GMA News TV.