MOSCOW (AP) — Apat na katao, kabilang ang isang bata, ang namatay sa pagsabog ng natural gas sa isang five-story apartment building, sinabi ng Russia emergency services.

Winasak ng pagsabog, bago ang madaling araw nitong Martes sa Yaroslavl, isang lungsod may 250 kilometro mula sa hilagang silangan ng Moscow, ang limang apartment at sinira ang 20 pang gusali. Hindi pa malinaw ang bilang ng nagtamo ng pinsala.

Inilipat na ang lahat ng residente ng gusali, may kabuuang 130 katao.

Iniulat ng Interfax news agency na sinabi ng emergency services na anim na katao ang nawawala.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Karamihan sa apartment building sa Russia ay sinusuplayan ng natural gas para sa pagluluto. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsabog kahapon.