KRIS copy copy

NAIKUWENTO sa amin ng isang ABS-CBN insider na malapit nang matapos ang sinasabing multi-million peso dream house ni Kris Aquino. Ayon sa aming source, nasa loob din lang daw ito ng exclusive subdivision na kinaroroonan ng bahay ngayon ng mag-iinang Kris, Joshua at Bimby.

Sa Abril o sa Mayo daw maaaring lumipat sa bagong bahay ang Queen of All Media.

Ayon pa sa kausap namin, malamang na ibenta ni Kris ang bahay na kasalukuyang tinitirhan niya. Minsan na kaming naimbitahan, kasama ang ilang press people, sa naturang bahay na super bongacious din, huh!

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa ng source na kaibigan din namin, fully paid na ni Kris ang ipinagagawang dream house pati na ang lahat ng mga gamit na more or less ay aabot sa 140 million pesos.

Kaya lahat daw ng mga kinikita ngayon ni Kris mula sa mga bagong endorsement at TV show ay hindi na nakalaan para sa bagong bahay niya.

Kung ilang beses na rin naman daw napasyalan ng source namin ang dream house ni Kris Aquino na kapag nagawa na ang lahat na gusto ni Kris para sa naturang bahay ay hindi malayong iyon na ang pinakamagandang bahay ng mga taga-showbiz.

Kuwento pa ng source, isa rin daw sa bagong pagmamay-ari ni Kris ang isang mamahaling luxury sports car na nagkahalaga ng P15M.

Nalaman din namin hanggang ngayon na nakabitin pa rin ang pagre-renew ng exclusive contract ni Kris sa ABS-CBN. Pero sa pagkakaalam ng source, wala namang balak lumipat ng ibang istasyon si Kris Aquino.

“Maaring itutuloy ni Kris ang plano niyang magkaroon ng sariling production na mala-Harpo Productions ni Oprah Winfrey,” sey pa ng source namin.

Samantala, kumpirmadong papalitan na ang KrisTV ng bagong programa na si Kris pa rin ang host kasama si Anthony Taberna. (JIMI ESCALA)