NA-HOPIA ang fans nina Luis Manzano at Angel Locsin na inakalang si Luis ang nag-propose kay Angel sa episode ng Pilipinas Got Talent last Saturday. Contestant pala ng show ang nag-propose at inisip na si Luis dahil sa teaser, may kuha si Angel na napa-“oh my God!”

Anyway, as of today, malabo pa ang wish ng fans nina Luis at Angel na magkabalikan sila, lalo pagkatapos mag-post ng video ni Angel ni Luis and calling him my “ex.”

Hindi nagtagal sa Instagram (IG) ang video ni Luis dahil binura ni Angel. Nagpaliwanag si Angel sa isa niyang follower kung bakit binura ang video ni Luis habang kumakanta ng Love Yourself ni Justin Bieber.

“I deleted the post because I don’t want to immortalize pa the video & statement. Tama na ‘yun. Sa ngayon, I am still protective of him kahit hindi kami ok at hindi ko purpose na magalit ang tao sa kanya. Ever. Masakit din po sa ‘kin to post something like that . Napakabait ng family niya sobra. At gusto rin siya ng family ko kaya masakit na nadadamay sila sa gulo namin. Sana okay na po. Pasensya na po at mahirap po ito para sa akin.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi na nag-react si Luis sa naging controversial video at comment ni Angel. Nang bisitahin namin ang IG nito, puro comedy ang ipino-post. Ang sinagot nito ay ang isang follower na nag-react sa post ni Luis ng cookies na binigyan nito ng malisya.

“It’s always fun when you see a basher with a bible quote on their profile... I bet kinakahiya ka ng anak mo para sa pagiging plastic. Bawal kayo sa Makati at QC ha, bawal plastic dun.”

Sinundan pa ni Luis ang kanyang post ng, “John 15:12 pa, of all verses! Hahahaha, yup, your kid should be taken away from you, how can you raise a child in an environment na hypocritical.”

Ang ending, ginawang private ng follower ni Luis ang IG account niya at wala na ring Bible verse sa page niya. 

(NITZ MIRALLES)