Naipuwersa ng PATTS College of Aeronautics ang winner- take- all Game Three matapos gapiin ang Colegio de San Lorenzo, 74-64, sa Game Two ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) championship kahapon sa Marikina Sports Center.

Nagtala ng 23 puntos si John Paul Manansala at nagdagdag naman ng 15 puntos si John Cymon Reed upang pamunuan ang Sea Horses sa pagbangon mula sa 53-56 kabiguan sa Griffins sa Game One.

Nag-ambag din si Arvee Capinding ng 11 puntos, kabilang ang buzzer beating jumper para sa 53-48 halftime lead.

“We just focused on match-ups and full court press. Nakakuha kami ng malaking abante sa taktika na ‘yun,” sambit ni Sea Horses coach Rensy Aranzaso.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nauna rito, kapwa tumapos na may tig-18 puntos sina CJ Catura at Eljohn Limpin para pangunahan ang National College of Business and Arts sa 73-65 na panalo kontra St. Francis of Assissi College sa kanilang laban para sa ikatlong puwesto. (Marivic Awitan)