KIEV/BEIRUT (Reuters) — Inakusahan ng Turkey nitong Lunes ang Russia ng “obvious war crime” matapos ang mga pag-atake ng missile sa hilaga ng Syria na ikinamatay ng maraming tao, at binalaan ang mga militanteng Kurdish na mahaharap sila sa “harshest reaction” kapag tinangka nilang kubkubin ang isang bayan na malapit sa Turkish border.

Isang opensiba na sinuportahan ng Russian bombing at ng mga Shi’ite militia na kaalyado ng Iran ang nagpaurong sa Syrian army hanggang 25 kilometro mula sa hangganan ng Turkey. Sinamantala ng Kurdish YPG militia – itinuturing ng Turkey na hostile insurgent force – ang sitwasyon at inagaw ang lugar mula sa mga rebeldeng Syrian upang palawakin ang kanilang presensiya sa hangganan.

May 50 sibilyan ang namatay nang tumama ang mga missile sa limang medical facility at dalawang paaralan sa mga lugar na hawak ng Syria nitong Lunes, ayon sa United Nations, na tinawag ang mga pag-atake na hanggang paglabag sa international law.

Ngunit sinabi ni Russian Health Minister Veronika Skvortsova na tinatarget ng mga air strike ng Russia ang mga imprastraktura ng Islamic State at walang dahilan para paniwalaan na binomba ng kanilang mga eroplano ang mga lugar ng sibilyan sa Idlib.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina