Naglabas ang Sandiganbayan Third Division ng arrest warrant laban kay dating Philippine Marine commandant Major General Renato Miranda na kinasuhan sa pagbubulsa umano ng mahigit P36-million clothing allowance ng mga sundalo noong 1999.

Iniutos ng anti-graft court na arestuhin si Miranda, tinanggal bilang Marine commandant noong 2006 dahil sa diumano’y pagkakasangkot sa planong kudeta, matapos makitaan ng sapat na batayan upang kasuhan office of the Ombudsman ng malversation through falsification, nang walang inirekomendang piyansa.

Kasamang ipinaaresto ang mga kawpa akusado ni Miranda na sina dating Marine officials Lt. Col. Jeson Batbat, Major. Adelo Jandayan, at Capt. Felicismo Millado.

Sa resolusyon na ibinasura ang judicial determination of probable cause ng mga akusado, sinabi ng Third Division na “it appears that sufficient grounds exist for the finding of probable cause for the purpose of issuing warrants of arrest against accused Miranda, Cabatbat, Jandayan, and Millado.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang resolusyon ay pinonenta ni Associate Justice Sarah Jane Fernandez at sinang-ayunan nina Presiding Justice Amparo Cabitaje-Tang at Associate Justice Samuel Martires.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Miranda na nilabag ang kanyang karapatan sa due process nang maglabas ang Ombudsman ng Amended Order na may petsang Oktubre 21, 2014 na nag-uutos na palitan ang kaso ng malversation through falsification mula sa estafa through falsification of official documents. (JEFFREY DAMICOG)