Pinaniniwalaang agawan sa kustodiya ng kanilang anak ang nagtulak sa isang ama para patayin ang kanyang maybahay at isa pang anak bago siya nagbaril sa sarili nitong Linggo, Valentine’s Day, sa Iloilo City.

“Naniniwala kami na may kinalaman ito sa tumitinding agawan sa kustodiya ng kanilang anak,” pahayag ni Senior Insp. Edgar Anonoy, hepe ng La Paz Police sa Iloilo.

Ayon sa imbestigasyon, pasakay sa isang pedicab si Jessica Cuales at anak niyang limang taong gulang na babae nang lapitan sila ni Eduardo Cuales dakong 11:00 ng umaga nitong Linggo.

Armado ng isang 12-gauge shotgun, unang pinaputukan ni Eduardo ang dalagita bago niratrat ang kanyang asawa.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Tapos ay binaril niya ang sarili sa noo. Nangyari ang lahat nang ilang segundo lang,” ayon kay Anonoy.

Sinabi ni Anonoy na dumating sa La Paz ang kapatid ni Eduardo mula sa Murcia, Negros Occidental bago ang insidente.

Balak sana ng magkapatid na umuwi sa Murcia kasama ang anak ni Eduardo subalit hindi pumayag ang ina ng bata na naging dahilan upang mamaril ang suspek, at kalaunan ay nagbaril din sa sarili. (Tara Yap)