Isang Filipino-Chinese, na umano’y supplier ng shabu sa Metro Manila at Tacloban City, ang naaresto sa ikinasang buy bust operation sa Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jay Agcaoili, hepe ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District, ang suspek na si Michael Ngo, 47, isang salesman, at residente ng Major Dizon Street, Industrial Valley, Marikina City.

Isinagawa ng pulisya ang operasyon laban kay Ngo dakong 10:30 ng gabi nitong Miyerkules sa isang apartelle sa Annapolis Street, Cubao, Quezon City, sa bisa ng search warrant na inilabas ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 127.

Nabawi rin kay Ngo ang dalawang Smith & Wesson revolver at ilang ID card na may iba’t ibang pangalan, subalit lahat ay may litrato ng suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinuturing ng pulisya si Ngo bilang isang “big time” drug pusher na nasa likod umano ng pagbebenta ng shabu sa Marikina City, Caloocan, Pasay City at maging sa Tacloban.

Nadiskubre rin ng raiding team sa mga text message sa cell phone ni Ngo ang ilang transaksiyon nito kamakailan sa pagbebenta ng droga sa isang buyer mula sa Tacloban City ng 300 gramo ng shabu. (Vanne Elaine P. Terrazola)