Isang lasing umano na construction worker ang namatay sa isang aksidente sa Barangay Poblacion, Burgos, Ilocos Norte noong Biyernes. Nakilala ang biktima na si Reynaldo Lagundino Parec, 24, taga-Barangay Subec, Pagudpud, Ilocos Norte.

Ayon sa mga pulis, pauwi na umano ang biktima galing sa isang inuman ng mangyari ang insidente. Nagmamaneho ng isang motorsiklo ang biktima ng mawalan ito ng kontrol at sumemplang sa palikong bahagi ng national highway.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima. Itinakbo si Parec sa ospital pero hindi na ito umabot ng buhay. (Freddie G. Lazaro)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20