Ilang araw bago ang pinakaromantikong petsa sa kalendaryo ng western world, ang Valentine’s Day, inihayag ng consumer watchdog ng Australia na 2,620 Australian ang nabiktima ng online romance scams noong 2015.

Inilabas ng Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) nitong Biyernes ang mga numero na nagpapakita na maraming Australian ang naloko at nagpadala ng USD 16 million sa mga scammer na nagkukunwaring would-be lovers noong 2015.

Gayunman, naniniwala si ACCC Deputy Chairperson Delia Rickard na ang nabanggit na bilang ay maaaring one-tenth lang ng tunay na financial losses ng Australia sa morally-corrupt trade, na karamihan sa biktima ay nahihiyang magsumbong o umamin na sila ay naloko ng isang con artist.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM