Nilinaw ng Department of Transportation and Communications (DoTC) at ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez na walang inilalabas na polisiya ang ahensiya hinggil sa motorcycle service operation sa Metro Manila.

Sa isang pagdinig sa Kongreso, sinabi ni Ginez sa House Committee on Transportation na hindi kasama ang mga bisikleta at motorsiklo sa mode of public transportation permit na ibinigay nila sa MyTaxi.ph.

Ang MyTaxi.ph ang nangangasiwa sa sumisikat na GrabBike, Inc., isang motorcycle service operation sa Metro Manila.

Nag-isyu ang LTFRB ng cease-and-desist order laban motorcycle operation ng GrabBike.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Binira naman ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng House Committee on Transportation, ang GrabBike sa pagsasamantala sa sitwasyon, at nagbantang may maaaresto kapag ipinagpatuloy ang pamamasada nito.

Sinabi naman ni GrabCar Regional Vice President Nina Teng na handa ang GrabBike, Inc. na makipagtulungan sa LTFRB at sa Kongreso para matugunan ang usapin. (Charissa M. Luci)