Nakatakdang pangalanan ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) ang national coach para sa bubuuing National Team.

Ayon kay LVPI acting president Peter Cayco, nakatakdang magpulong ang buong Board ng grupo at prioridad nilang adyenda para sa pagpili ng bagong coach at pagbuo ng Referees at Coaches Commission.

“We want to name the national coach now, who will be the sole responsible in putting up the strongest and best ever team for Under 19,” sabi ni Cayco.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Aniya, may 10 pangalan na kinokonsidera ang LVPI para pangasiwaan ang National team, kabilang dito ang mga nagpamalas ng talino at husay sa isinagawang Level 2 Coaches seminar na pinamahalaan mismo ng FIVB at AVC.

“We want to invest on our Under 19 dahil sila na rin iyong isasali natin una sa dalawang internasyonal tournament this coming July at most probably doon na rin sa 2017 Malaysia at 2019 Philippine SEA Games,” sambit ni Cayco.

Pansamantalang pinamumunuan ni Cayco ang LVPI matapos naman humingi nang pansamantalang pagliban ang presidente nito na si Joey Romasanta na nangangasiwa sa pagbuo ng delegasyon bilang Chef de Mission sa Rio Olympics. (ANGIE OREDO)