volleyball copy

Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- UST vs. UE (m)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

10 n.u. -- UP vs. NU (m)

2 n.h. -- La Salle vs. Adamson (w)

4 n.h. -- UST vs. FEU (w)

Makabalik sa winning track ang target ng De La Salle University sa pakikipagtuos sa Adamson sa women’s division ng UAAP Season 78 volleyball championship ngayon sa San Juan Arena.

Nalaglag ang Lady Spikers mula sa sosyong kapit sa liderato nang maigupo ng National University Lady Bulldogs, 16-25, 24-26, 25-14, 23-25, nitong Miyerkules.

Nakatakdang isagawa ang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Muli, inaasahang mangunguna para sa tropa ni Ramil de Jesus ang nagbabalik na one-time MVP na si Ara Galang kasama ng iba pang mga beteranang sina Mika Reyes, Mary Joy Baron,Carol Cerveza at setter Kim Fajardo.

Natitiyak namang ipantatapat sa kanila ni coach Sherwin Meneses sina Mylene Paat, Jessica Galanza at mga baguhang sina Joy Dacoron, May Roque at setter Risha Emnas.

Sa iba pang women’s match, magkukumahog namang umiwas na mahulog sa ikatlong sunod na kabiguan ang UST Tigresses, kontra sa Far Eastern University Lady Tams ganap na 4:00 ng hapon.

Matapos mabigo sa unang dalawang laro sa kamay ng Adamson at Ateneo, target ng Tigresses na makatikim ng panalo laban sa naghahabol ding Lady Tams.

Mauuna rito, tatangkain naman ng dating men’s champion NU Bulldogs na maiposte ang ikatlong sunod na panalo para manatili sa solong pamumuno sa pagsagupa sa UP Maroons sa pambungad na laban ganap na 8:00 ng umaga.

Mag-uunahan naman na makapagtala ng una nilang panalo ang UST Tigers (0-2) at ang UE Red Warriors (0-3) sa kanilang pagtutuos ganap na 10:00 ng umaga. (MARIVIC AWITAN)