Galing man sa kabiguan sa itinuturing na “fight of the century” laban kay Floyd Mayweather, Jr., malaki pa rin ang respeto ng ESPN at The Ring Magazine sa kakayahan ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sa pinakabagong listahan ng top 10 best fighter pound-for-pound, inokupahan ni Pacquiao ang No. 4 spot ng ESPN, habang iniluklok siyang No. 7 ng The Ring, itinuturing na bibliya sa professional boxing.

Bago pa man ang kontrobersyal na unanimous decision kay Mayweather, Jr. noong Mayo 3, regular sa top 10 ang Saranggani Congressman.

Mahabang taon niyang pinagharian ang nasabing posisyon dulot ng kanyang mga tagumpay laban sa kinikilalang alamat sa mundo ng boxing tulad nina Oscar DeLa Hoya, Juan Manuel Marquez, at Miguel Angel Cotto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nalagpasan man siya ni WBC flyweight kingpin Ramon Gonzalez ng Nicaragua, WBA at IBF middleweight titlist Gennady Golovkin ng Kazakhstan at WBA, IBF at WBO light heavyweight belt owner Sergey Kovalev ng Russia, hindi matatawaran ang pagkilala ng ESPN kay Pacman. (Gilbert Espeña)