TARLAC CITY — Patawirin ngayon sa Jecsons Medical Center ang isang 41-anyos na misis matapos palakulin sa leeg ng nagselos nitong mister sa Barangay Cut-Cut 2nd, Tarlac City.

Kinilala ni Senior Inspector Bobby Madamba, commander ng PCP-10, ang biktimang si Alma Mercado, at ang kanyang mister na si Julio Mercado, 44, residente ng nasabing barangay.

Dakong 9:20 ng gabi, lasing na dumating sa bahay si Julio at nagseselos na kinompronta ang asawa hanggang sa mauwi ito sa sigawan. Nagwala ang mister at sa tindi ng kanyang galit ay pinalakol sa leeg ang kanyang misis bago tumakas.

Nakahanda na ang kasong frustrated parricide laban sa suspek sa Tarlac City Police Station. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog