Michael-V copy copy

SA trailer pa lang, mukhang masaya na ang Lip Sync Battle Philippines na mapapanood sa GMA-7, starting February 27, after Magpakailanman and hosted by Michael V and Iya Villania. 

Masaya rin ang presscon nito at may pa-sample sa press people na sumali sa lip sync o dubsmash contest.

Sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang first pair ng contestants, pero bawal sabihin kung ano ang ginawa ng dalawa sa show, basta pasabog daw.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Tinanong si Michael V kung sino ang pair na gusto niyang i-guest at ang sagot niya ay, “Sina Alden Richards at Maine Mendoza at tiyak na mataas ang ratings. Sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.

Si Iya naman, gustong i-guest sina Drew Arellano at Ryan Agoncillo, Solenn Heussaff at Lovi Poe at Gabby Concepcion at Christopher de Leon.

“Sana, mag-viral ito, sana mag-hit at sana, tulungan n’yo kaming humanap ng contestant. Also, thank you GMA for giving me this show. Napapanood ko pa lang ito sa cable, naisip ko na kung gagawin dito ang show, sana ako ang kuning host at kundi man ako ang host, sana kunin akong contestant. Nangyari ang una kong wish, ako nga ang kinuhang host at si Iya ang color commentator. Masaya ang show na ito!” tiyakang sabi ni Michael V. (NITZ MIRALLES)