jennylyn-mercado copy copy

NITONG nakaraang Lunes ang first shooting day nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa Star Cinema movie mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina na nakatakdang ipalabas ngayong 2016.

Sa San Fernando, Pampanga kinunan ang unang eksena nina JLC at Jen at base sa mga nakita naming litratong ipinost ni Gian Carlo Vizcarra for Starcinema.com.ph, kahit init na init ang dalawa ay makikitang masaya sila habang nagbibigay ng instruction si Direk Cathy.

Ang tsika sa amin, finally, natuloy din ang pagsasama sa pelikula nina Lloydie at Jennylyn. Nalaman namin na pagkatapos pala ng English Only, Please ay nag-offer na ang Star Cinema ng movie together para sa dalawa, pero hindi umubra dahil may prior commitment ang aktres. Ito siguro ‘yung The PreNup movie nila ni Sam Milby na prinodyus ng Regal Entertainment.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kung tama rin ang aming narinig, kinonsidera pala si John Lloyd sa #Walang Forever pero ginagawa na niya noon ang Honor Thy Father, kaya si Jericho Rosales na ang kinuha na naging maganda ang resulta.

Trulili rin kaya ang nalaman namin na inalok din si Jennylyn sa Honor Thy Father, ang papel na ginampanan ni Meryll Soriano pero hindi rin pumuwede kasi nga busy na siya sa #Walang Forever.

 

Ang galing, ‘no, Bossing DMB, ang daming projects na dapat sana’y nagtambal na noon pa sina Lloydie at Jennylyn pero hindi natuloy. Kaya pala, sa ABS-CBN pa rin siya finally magtatambal.

Romantic-comedy raw ang concept ng pelikula nina Lloydie at Jen na forte ni Direk Cathy. Hmm, bagong putahe ito dahil magkaibang network ang dalawang bida. Nangangamoy box office hit na naman ito. (Reggee Bonoan)