CABANATUAN CITY – Magdadagdag ng tauhan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Central Luzon.

Sinabi ni BJMP-Region 3 Personnel and Records Management officer, Chief Insp. Rebecca Tiguelo, na maaaring mag-apply ang mga taga-rehiyon na edad 21-30, nagtapos ng kolehiyo, may civil service eligibility, hindi nahatulan sa anumang krimen, at may taas na 1.62 metro para sa lalaki at 1.57 metro para sa babae.

Ang mga interesado ay pinagsusumite ng duly accomplished Personal Data Sheet (PDS), photocopy ng Transcript of Records, diploma, NSO-certified birth certificate, certificate of eligibility o board rating, mga balidong clearance, at marriage certificate, sa tanggapan ng BJMP sa Diosdado Macapagal Government Center hanggang sa Marso 15, 2016.

Tatanggap ang BJMP-Region 3 ng 40 lalaki at limang babaeng jail guard. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito