PINAGBABAYAD ng korte sa Seoul ang K-pop rock band na CNBlue at ang kanilang agency ng 15 million won (P597,000) sa isang indie band dahil sa copyright violation.

May pananagutan, ayon sa Seoul Central District Court, ang CNBlue at FNC Entertainment sa paggamit sa awitin ng Crying Nut na may pamagat na Deathblow Off-Side sa TV show na M Countdown noong Hunyo 2010 nang walang permiso.

Mapapanood din sa DVD ang kanilang pagtatanghal gamit ang nasabing awitin sa Japan.

Taong 2013 nang naghain ang Crying Nut ng 40 million won (P1.59 million) lawsuit laban sa CNBlue at FNC sa paggamit ng awitin na hindi man lang nagpapaalam.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“We later came across the video on YouTube and we heard our instruments and voices in the live version. They had used the AR (All Recorded) version. After we played the DVD, our pride was completely hurt, and we started to look into whether this was all right under copyright and neighboring copyright laws,” pahayag ng Crying Nut, ayon sa ENewsWorld. (MB Entertainment)