Pasado sa pamantayan ng Philippine Sports Commission ang Narciso Ramos Sports Complex sa Pangasinan para maging venue ng Philippine National Games national finals.
Sa report na isinumite ng ‘inspection team’ kay Philippine Sports Commission (PSC), chairman Richie Garcia, idineklarang nasa tamang paghahanda ang lalawigan at nakasunod sa world-class standard ang lahat ng venue, kabilang ang track oval.
May kabuuang 2,000 atleta na pawang nagkampeon sa isinagawang qualifying sa Bulacan, Romblon at Pagadian ang sasabak a kabuuang 22 sports.
“This is the best of the best because elite athletes from the national team, training pool plus a horde of upcoming young stars are competing,” sambit ni Garcia.
Ang mga sports na paglalabanan ay archery, arnis, athletics, badminton, billiards, boxing, chess, cycling, dancesport, judo, futsal, lawn tennis, muaythai, pencak silat, sepak takraw, karatedo, taekwondo, swimming, table tennis, wrestling, weightlifting at volleyball.
Ang athletics ay ang pinakatampok na laro sa limang araw na torneo kung saan may 40 medalya ang paglalabanan.
Naglaan ang PSC ng P20 milyon para tustusan ang PNG. - Angie Oredo