WASHINGTON (Reuters)— Ang huling paglulunsad ng rocket ng North Korea ay maaaring magpasimula ng pagbuo ng U.S. missile defense systems sa Asia, sinabi ng mga opisyal ng U.S. at missile defense experts, isang bagay na lalong magpapalala sa relasyong U.S.-China na makasasama rin sa ugnayan ng Beijing at Seoul.

Sinabi ng North Korea na naglagay ito ng satellite sa orbit noong Linggo, ngunit nakikita ng United States at ng mga kaalyado nito ang paglulunsad na isang pagtatakip sa pagdebelop ng Pyongyang ng ballistic missile technology na maaaring gamitin para maghatid ng nuclear weapon.

Sinisikap ng Washington na muling tiyakin sa mga kaalyadong South Korea at Japan ang pangako nito sa depensa matapos ang paglulunsad, na kasunod ng North Korean nuclear test noong Enero 6.

Sinabi ng United States at South Korea na sisimulan nila ang mga pormal na pag-uusap sa pagtatalaga ng sophisticated Terminal High Altitude Area Defense system, o THAAD, sa Korean peninsula “at the earliest possible date.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa isang editorial sa Global Times, ang tabloid na inilalathala ng pahayagang People’s Daily ng namumunong Communist Party ng China, tinawag nito ang assurance ng U.S. na “feeble”.

“It is widely believed by military experts that once THAAD is installed, Chinese missiles will be included as its target of surveillance, which will jeopardize Chinese national security,” ayon dito.

Dati nang sinabi ng Japan, matagal nang nababahala sa ballistic missile program ng North Korea, na pinag-iisipan nitong palakasin ang THAAD para sa depensa nito. Ang North Korean rocket noong Linggo ay lumipad sa ibaba ng southern Okinawa prefecture ng Japan.

Ang THAAD ay dinisenyo para ma-intercept at wasakin ang ballistic missiles sa loob o labas ng atmospera sa final, o terminal, phase of flight nito. Napatunayan din itong epektibo laban sa short-and medium-range ballistic missiles.