Ni NITZ MIRALLES

Mark HerrasNALITO kami sa statement ni Mark Herras nang makausap namin sa taping ng Litte Nanay. Sabi kasi niya, nanliligaw pa rin siya kay Wynwyn Marquez, hindi pa niya ito girlfriend. Pero hindi ito consistent sa sinabi rin niya na hindi na niya kailangang manligaw... at hindi na tinapos ang sasabihin.

Magkasama sina Mark at Wynwyn sa Little Nanay, pero hindi sila ang magkapareha at hindi madalas magkasama sa location. Pero sa mga sagot ni Mark ‘pag tinatanong tungkol kay Wynwyn, kita ang excitement sa mukha at saya ng boses niya. 

Mukhang ready nang ma-in love uli si Mark after his last relationship three years ago pa.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nang tanungin namin kung si Wynwyn na ang ‘the one” para sa kanya, malakas na, “Yes, she’s the one” ang sagot niya.

Also, kita ang closeness ng cast ng Little Nanay sa taping. Habang kausap namin sina Mark at Juancho katabi si Direk Ricky Davao, tumabi kay Mark si Kris Bernal at sumiksik ng upo sa tabi nito. Parang kuya na kinagalitan ni Mark si Kris na nangsiksik nga sa kanya.

Very close rin si Mark kay Chlaui Maglayao, gumaganap na anak ni Kris at pamangkin niya sa Little Nanay.

“Mas masaya sa set ‘pag kasama namin si Chlaui, ibang saya ang dala niya sa aming lahat. Everytime kasama namin siya sa set, ganu’n ang feeling, masaya lang at panay ang kulitan,” kuwento ni Mark.

Ano naman ang ibinigay ng Little Nanay sa kanya at sa career niya?

“Thankful ako na nakasama ako sa cast ng teleseryeng ito, magaan, pero maraming itinuturo at maraming natututunan ang viewers. Ang sarap ng feeling na naa-appreciate ng viewers ang karakter kong si Peter. Ang pinakamalaking ibinigay sa akin ng teleseryeng ito ay ang chance na makatrabaho sina Ate Guy (Nora Aunor), Kuya Bembol (Roco) at Tito Eddie (Garcia) ang sabay-sabay. Ang suwerte namin nina Juancho at Kris,” sagot ni Mark.

Puro positive feedback ang naririnig at nababasa namin tungkol sa Little Nanay kaya ‘pag nagtapos ito sa March, hindi lang si Mark ang makakaramdam ng separation anxiety, pati na rin ang viewers na gabi-gabing sumusubaybay nito sa GMA-7.