JAKARTA, Indonesia (AFP)– Mahigit dalawang dosenang Indonesian ang namatay matapos uminom ng imbentong alak sa central Java, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon sa mga imbestigador, karamihan ng mga biktima ay namatay matapos bumili ng home-made na alak mula sa isang mag-asawa sa Sleman, isang bayan sa hilaga ng lungsod ng Yogyakarta, sinabi ng lokal na pulisya.

“Most of the victims were students,” pahayag ni Sleman police chief Yulianto, na gaya ng maraming Indonesian ay isa lamang ang pangalan.

Unang iniulat na may namatay noong Miyerkules, at sinundan ito ng marami pa kalaunan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inaresto na ng pulisya ang mag-asawa na nagbebenta ng tinimplang ethanol, tubig at prutas na pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng 22 katao. Apat na iba pa ang namatay din sa imbentong alak na ibinenta ng isa pang tindero na inaresto na rin.