Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may dalawang Pinoy ang kabilang sa limang crew member ng isang oil tanker na hinostage ng mga rebelde sa karagatan ng Nigeria, nitong weekend.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, hinihintay pa ng DFA ang opisyal na impormasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa Abuja.

Batay sa ulat ng Associated Press, na-hijack ng mga rebelde ang Greek-owned MT Leon Dias, at tinangay ang limang crew member nito na kinabibilangan ng Pilipinong kapitan ng barko at 3rd officer marine engineer, isang Russian chief engineer at isang electrician, at isang fitter mula sa Georgia.

Ang mga rebelde ay sinasabing tagasuporta ng independent state ng Biafra sa timog-silangang bahagi ng Nigeria.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng marino sa shipping industry sa mundo, katumbas ng 1.2 milyong na nagtatrabaho sa mga oil tanker, luxury liner o cruise ship, at pampasaherong barko. - Bella Gamotea