Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na baklasin ang lahat ng kanilang poster, kaugnay ng opisyal na pagsisimula ng kampanya bukas, Pebrero 9.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, 72 oras bago ang simula ng kampanya para sa national candidates ay dapat na natanggal na ang mga ipinagbabawal na propaganda materials.

Sinabing ito ay alinsunod sa Comelec Resolution 10049, nagbabala rin si Bautista na pananagutin sa batas ang magkakabit ng ipinagbabawal na campaign paraphernalia—at kung hindi tukoy ang naglagay ay mismong kandidato o partido ang papanagutin. - Mary Ann Santiago
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'