Handa na ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na dinggin sa Pebrero 23 ang petisyon na naglalayong ibaba ang singil ng Transport Network Vehicle Services (TNVS), tulad ng Uber at GrabTaxi.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, inabisuhan na nila ang House Committee on Transportation, na pinamumunuan ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na tatalakayin nila ang petisyon ni 1-UTAK Chairman Atty. Vigor Mendoza sa Board en banc.

Sa petisyon, nais ni Mendoza na bawasan ng kalahati ang base fare ng TNVS kasunod ng pagbulusok ng presyo ng diesel at gasolina.

Gayunman, nais ni Ginez na mapakinggan muna ang panig ng Uber at GrabCar bago sila magdesisyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinuwestyon din ni Sarmiento ang LTFRB sa umano’y pagpabor nito sa TNVS kumpara sa mga operator ng taxi, na pinabulaanan naman ni Ginez sa pagsasabing walang pagkakaiba ang requirements ng mga ito.

Sa hiwalay na report, umaksyon si LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton sa ilegal at walang permisong GrabBike na nauuso ngayong matindi ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Inton na walang permiso ang Grab Bike kaya ipinahinto nila ito.

Nagbanta pa ang dating Quezon City Majority Leader na kakasuhan at ipakukulong ang sinumang lalabag dito. - Charissa M. Luci

at Ben Rosario