BOGOTA, Colombia (AP) – Nanindigan si Colombian President Juan Manuel Santos na walang ebidensiya na nagdulot ang Zika virus ng anumang kaso ng birth defect, partikular ng microcephaly, sa kanyang bansa, bagamat 3,177 buntis ang dinapuan ng virus.

Sinabing nasa mahigit 25,000 Colombian ang nagka-Zika, inihayag ni Santos na darating sa bansa ang isang medical-scientific team mula sa Amerika upang tumulong sa imbestigasyon sa virus na dulot ng kagat ng lamok.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture