Pinagtitipid ng Manila Electric Company (Meralco) ang publiko sa summer, dahil sa posibilidad na tumaas ang singil sa kuryente.

Ayon sa Meralco, madalas na tumataas ang power rate kapag tag-init bunsod ng malakas na demand na siyang nagpapaliit sa supply, kaya naman naaapektuhan ang presyo ng kuryente.

Dahil dito, ayon pa sa Meralco, dapat na gumawa ng karampatang hakbang upang makatipid sa konsumo.

Kabilang sa tipid tips ang paglalagay sa moderate ng lamig ng air-con, paglagay sa iisang direksiyon ng electric fan o paggamit ng pamaypay, pagpaplantsa ng bulto, pagbunot ng appliances sa outlet ng kuryente, paggamit ng LED lights, at pagbubukas ng bintana upang pumasok ang hangin, para sa ventilation g bahay.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nauna rito, inihayag ng Meralco na ang pagtaas ng generation charge ang sanhi ng P0.42 kada kilowatthour na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan.

Bukod sa P0.25 kada kWh na dagdag sa generation charge, nakadagdag din sa power rate hike ang pagtaas ng transmission charge na P0.08 kada kWh, paliwanag ng Meralco. (MAC CABREROS)